Sen. Dela Rosa naniniwalang pinag-isipan mabuti ang pagbitiw ni VP Sara bilang kalihim ng DepEd

Naniniwala si Sen. Bato Dela Rosa na pinag-isipang mabuti ni Vice President Sara Duterte ang desisyon na bitiwan ang posisyon bilang kalihim ng Department of Education.

Sa kabila nito, tiwala si Dela Rosa na patuloy pa ring tutuparin ni Duterte ang kanyang mandato bilang pangalawang pangulo.

Suportado din ng Senador si Duterte kasunod ng pagbibitiw niya bilang DepEd secretary at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict vice chairperson.

Samantala, nilinaw naman ng Bise Presidente na hindi dahil sa kahinaan ang dahilan niya sa pagbibitiw bilang kalihim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *