South Korean fugitive at Libian sexual predator extortionist, arestado

Arestado sa isinagawang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) ang isang lalaking itinuturing na pugante sa South Korea at ang isang Libian na sexual predator extortionist.

Ito ay matapos makatanggap ng impormasyon ang BI mula sa gobyerno ng South Korea at maging sa National Police (PNP) National Capital Region Police Office (NCRPO), at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) tungkol sa record ng dalawang foreign nationals.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga naaresto na sina Cheo Young Sam na isang South Korean national at Abundo Nual Johnson na isang Liberian National.

Ayon kay Tansingco, nag-embezzled umano si Cheo ng mahigit 4.6 bilyon won na medical reimbursement sa financial team na pinangungunahan niya noon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, ni-lock naman umano ni Johnson sa kanyang apartment ang isang Pilipina at saka ito sinexually assault.

Kaugnay nito, pinoproseso na ng awtoridad ang pagpapa-deport sa mga ito at pagdagdag sa kanila sa listahan ng blacklist.