Mahigit P100K na halaga ng suspected shabu – narekober sa Pampanga

Narekober ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon ang suspected shabu na nagkakahalaga ng P103,000 sa isang operasyon sa Mabalacat City, Pampanga.

Sa ulat ng PDEA – na-aresto ang limang mga suspects na kinilalang sina Jessy Tiglao, Romeo Bundalian, Emer Yusay, Joji Cabilles, at Christian Estrada.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Si Tiglao, na residente ng naturang Lungsod ay ang sinasabi umanong drug den operator.

Nagpanggap umanong buyer ang isang ahente ng PDEA para bilhan si Tiglao.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Matapos ma-aresto ang suspek, ay tska na ni-raid ang suspected drug den at nahuli na ang apat na iba pang suspects.

Sa kabuoan, may narekober na nasa 15 gramo ng suspected shabu, at mga drug paraphernalias.