Magde-deploy umano ang South Korea ng mga laser weapons upang pabagsakin ang mga drone ng North Korea.
Sila ang kauna-unahang bansa sa mundo na magpapakilala at magpapatakbo ng ganitong klase ng sandata sa militar.

Tinawag ng South Korea ang kanilang programa bilang “StarWars project”.
Ayon sa Defense Acquisition Program Administration, ang drone-zapping laser weapons na binuo ng militar kasama ang Hanwha Aerospace ay epektibo, mura, nagkakahalaga ng 2,000 won ($1.45), tahimik at invisible.
Ang mga laser ay kayang magpabagsak ng drone sa pamamagitan ng pagsunog sa mga makina o sa kuryente ng mga drone gamit ang sinag ng liwanag sa loob ng 10 to 20 seconds.
Ang mga bansa kabilang ang South Korea, China, at United Kingdom ay nagmamadali na bumuo at mag-deploy ng mga laser weapons, kilala rin bilang directed energy weapons.
May malaki itong tulong na labanan ang paglaganap ng mga unmanned systems, at ang pagtutok sa mga missile na o mga satellite na nasa orbit. (BRIGADA NEWS INTERN-JHALDEA RULONA)