Court of Appeals, ipinag-utos na i-freeze ang 36 bank accounts at mga ari-arian ni Mayor Guo

Inatasan ng Court of Appeals ang Anti-Money Laundering Council na i-freeze ang lahat ng bank accounts at assests ni suspended Bamban Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa pagkakasangkot umano nito sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators.

Kabilang sa i-fe-freeze sa loob ng 20 araw ang 90 bank accounts, 12 real state property na pag-aari ni Guo at 12 sasakyan, kasama rin ang P60 milyong helicopter na konektado kay Guo at mga kasama sa niya sa negosyo.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Kasama sa frozen bank accounts ang mga business partner ni Guo sa Baofu Land Development Inc., Zun Yuan Technology Inc., at Hong Sheng Gaming Technology Inc.

Ang Hong Sheng at Zun Yuan ay parehong POGO na nag-ooperate sa malaking compound na pag-aari ng Baofu sa isang property sa Bamban na nabenta ni Guo.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Nakasaad sa batas na Anti-Money Laundering Act of 2001 na pinapayagan ang CA na mag-isyu ng free order kapag naghain ang AMLC ng isang verified ex parte petition at kapag natukoy na may probable cause na nanatili sa anumang monetary instrument o anumang aktibidad na labag sa batas.