Nasungkit ng Pilipinang atleta mula sa Pajo National High School, nasungkit ang unang gintong medalya sa paglalaro sa 2024 Palarong Pambansa.
Si Asia Paraase ay pangalawang beses niyang nakasali sa Palarong Pambansa, ngunit ito ang unang beses niya manalo sa 3000 meter run ng athletics at nakuha ang niya ang gintong medalya sa Palarong Pambasa.

Sa pahayag ni Asia, masaya siya at isang pride na rin ito sa Central Visayas ito na din yung kabayaran sa lahat ng hirap at preparation nila, ani niya sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan niya masaya siyang nakamit niya ang tagumpay.
Ani niya, sa kanyang pagkapanalo ay isang katagumpayan para sa kanya upang malampasan niya ang kanyang kaba at takot, dahil dumating sa punto na nawalan na din siya ng pagasa sa kanyang sarili dahil sa mga pagsubok.
Dagdag pa rito, ang National Capital Region ang nangunguna sa kabuuan na nakasungkit ng medalya na umabot sa walong gintong medalya, pitong pilak, at anim na tanso.
Sa ngayon, matapos masungkit ni Asia ang gintong medalya sa 2024 Palarong Pambansa, nais niyang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap at mai-present ang Pilipinas sa Asian Games at Youth Games. (BRIGADA NEWS INTERN-JAIME CODIZAL)