Tuluyan nang napagdesisyunan ng South Korea na hindi na maglalaro sa February window ng 2023 Fiba World Cup Asian Qualifiers sa Manila, matapos mahawa ng COVID-19 ang ilan sa kanilang mga players.
Batay sa Korean website Jumpball, tatlong mga players ang nagpositibo sa COVID-19, na nag-udyok sa team na mag-withdraw mula sa tournament.
Dahil dito, ang apat na laro ng South Korea sa window ay magiging forfeited na.
Bilang resulta, mahihirapan ang naturang team na makuha ang third straight appearance sa World Cup.

Bago nito, napaulat na plano ng South Koreans na magpadala lang ng 10-man roster sa February qualifiers.
Mababatid na ang South Korea ay nakatakdang maglaro laban sa Pilipinas, New Zealand at India mula February 24 hanggang 28 sa Araneta Coliseum. //MHEL PACIA-TRINIDAD