ATG golden buzzer Nightbirde, pumanaw na dahil sa cancer

Pumanaw na ang golden buzzer sa “America’s Got Talent” na si Nightbirde, o Jane Marczewski sa totoong pangalan.

Matapos ang mahabang panahon na makikipaglaban sa breast cancer, ang 31-anyos na singer ay pumanaw noong Feb. 19, matapos na kumalat na ang sakit sa kanyang baga, spine at atay.

Si Nightbirde ay sumali sa talent competition noong June 2021, kung saan umano ito ng mga paghanga mula sa publiko, dahil sa kanyang hopeful spirit sa kabila ng sakit.

Sa kanyang auditon, nakatanggap ito ng golden buzzer mula sa isa sa mga judges ng show na si Simon Cowell, matapos kantahin ang kanyang original composition na “It’s Okay.”

Sa panahong iyon, ibinahagi nito na 2% nalang ang kanyang tsansa na mabuhay, bagay na labis nitong ipinagpapasalamat.

Matapos naman ang dalawang buwan mula nang makapasok sa kompetisyon, ay hindi na tumuloy si Nightbirde, dahil lalong lumala na ang kanyang kondisyon. //MHEL PACIA-TRINIDAD