South Africa, makakaranas ng kakulangan sa manok at itlog

Nagbabala ang mga magsasaka sa South Africa sa posibleng kakulangan ng manok at itlog habang nilalabanan nila ang pinakamalalang bird flu outbreak sa bansa.

Read More:  Bharatpur Hospital in Nepal resumes normal services after morgue overflow

Ayon sa Producer na Quantum Foods, nawalan ito ng halos dalawang milyong manok ngayong taon na nagkakahalaga ng kabuuang higit sa 100 milyong rand o P302 million.

Saad rin ng isa pang producer na Astral na ito ang pinakamalalang outbreak na kanilang naranasan.

Read More:  Two workers rescued after being trapped for nine days inside Nepal tunnel

Isa sa mga pangunahing producer ng manok sa kontinente ang South Africa kaya hindi lang ang bansa ang apektado rito.