Sotto: Special session para alisin ang excise tax sa langis, nakasalalay na kay Duterte

Inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na nakasalalay na kay Pangulong Rodrigo Duterte kung magpapatawag ito ng special session para matalakay ng Kongreso ang posibleng suspensyon ng excise taxes sa mga produktong petrolyo.

Sinabi ito ni Sotto matapos himukin ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang Punong Ehekutibo na magpatawag na ng special session sa Kongreso sa gitna ng sunod-sunod na price hike sa mga produktong petrolyo.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon kay Sotto, kailangan dumalo ng mga mambabatas sa mga gagawing special session kung ipatatawag ito ng Pangulo kahit pa busy sila sa pangangampanya.

Sa ngayon ay inihayag ng senador na wala pa silang nakukuha na kahit anong komunikasyon mula sa Palasyo para sa special session sa Kongreso.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Una nang sinabi ni Salceda na “moral obligation” ng Pangulo ang pagpapagaan ng sitwasyon ng mga Pilipino lalo na kung umabot na ng 75 araw ang pagdurusa ng mga ito.