Sorsogon nagkondukta ng FAMTOUR para sa lahat ng DOT-accredited local tour operators

SORSOGON CITY – Bilang bahagi ng paghahanda  para sa nalalapit na 9th RTF (Regional Travel Fair) na gaganapin sa lalawigan ng Sorsogon, isang FAMTOUR para sa mga DOT-Accredited Local Tour Operators ang isinagawa.

Ang aktibidad ay may layuning i-update ang mga tourism sites at destinasyon sa una at pangalawang distrito ng probinsya.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nilahukan ito ng Hayahay Travel & Tours, UR Place Travel & Tours, Jags Travel, Eco-Donsol Tour at lahat ng lokal na DOT-accredited Tour Operators.

Ang 9th RTF ay naglalayon na pagsama-samahin ang mga regional at national buyers/Tour Companies gayundin ang mga local based DOT-accredited companies sa isang malaking pagtitipon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kumpiyansa naman ang Provincial Government na ang pagiging handa ng lahat ng tourism sites sa lalawigan ay magiging daan upang muling pasiglahin ang turismo at ekonomiya ng lalawigan.