Sotto, pinalagan ang pagtanggi ng NICA na sa kanila galing ang agri-smugglers list

Pumalag si Senate President Vicente Tito Sotto sa pagtanggi ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na galing sa kanila ang inilabas na listahan ng mga customs at agricultural officials na sinasabing protektor ng mga smugglers ng agricultural products.

Nanindigan si Sotto na ang naturang listahan ay batay sa based report ng NICA na isinumite sa isinagawang public hearing ng Senate Committee of the Whole.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Sotto imbes na itanggi, dapat tumahimik o kaya ay inamin na lamang ng NICA na mayroon mali sa kanilang isinumiteng listahan.

Sa ngayon ayon sa Senate President naipadala na ang naturang listahan sa ombudsman pati na rin kay incoming President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Nabatid na batay sa listahan ng Senado nangunguna si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero bilang protektor umano ng mga agri-smuggler.

Kasama sa mga pangalan ang ilang opisyal ng Department of Agriculture at Bureau of Customs pati na ang ilang mga politiko katulad nina Navotas City Mayor Toby Tiangco at isang Gerry Teves.
#