Mariing itinanggi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang pagkakadawit sa listahan ng senado kaugnay sa umano’y mga protektor ng mga smuggler ng agricultural prodects.
Paliwanag ni Tiangco paano siya magiging protektor ng mga smuggler gayung isa siya sa mga humahabol sa mga ito.
Sa katunayan ayon sa alkalde sa apat na kaso laban sa mga agri-smuggler na naisampa sa korte dalawa dito ay siya ang nag-file at nagkaroon ng probable cause.
Duda naman si Tiangco na posibleng may kinalaman ang sindikato kung bakit naisama ang kanyang pangalan sa naturang listahan.
Tiniyak naman ni Tiangco na hindi pa rin ito hihinto sa paghabol ng mga smuggler sa kanyang nasasakupan.
Maliban kay Tiangco, pumalag din si report si Customs Deputyo Commisisoner na Vener Baquiran.
Dumalo umano siya sa lahat ng mga idinaos na pagdinig sa Kongreso para patunayang wala siyang kinalaman sa talamak na agri-smuggling kaya nagulat siya nang iugnay pa rin siya dito.
Una nang kinundena ng iba pang kabilang sa listahan ang pagkakadawit nila sa isyu.
Kabilang sa mga unang naglabas ng pahayag para pasinungalingan ang report ay sina Bureau of Customs chief Rey Guerrero, Atty. Yasser Ismail Abbas ng Import Assessment Services sa Customs, at Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan.
Ilang senador, hati ang reaksyon sa inilabas na ulat ng senado re:agri smuggling
Tinawag na ‘failure of intelligence’ ni Senadora Nancy Binay ang pagkakadawit ni Navotas Mayor Toby Tiangco sa listahan ng mga ‘di umano’y smugglers at protektor ng talamak na agricultural smuggling.
Ayon kay Binay, aktibo ang Alkalde sa pagsugpo sa smuggling at diversion ng marine at aquiatic products sa Navotas City na inaangkat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Giit ng Senadora, napaka-imposible aniyang maging protektor si Tiangco.
Sa mga nangyayari umanong milagro sa Navotas – aktibo si Tiangco sa pagsusulat ng report para tutulan ang mga smuggling.
Sa katunayan, siya nga raw mismo ang nagfa-file pa ng kaso sa DoJ para sa mga smuggler dahil tila ay wala raw pakialam ang Agriculture Department.
Binatikos din ni Binay kung bakit walang detalye at basehan ang inilabas na report ng National Intelligence Coordinating Agency.
Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na masiyado pang hilaw ang listahan ng NICA.
Kinakailangan umanong malaman kung papaano nabuo ang listahan na ito at kung papaano ito na-validate ng NICA nang wala namang sapat na paliwanag.
Para kay Villanueva, naniniwala siyang masigasig ang commitment ng Alkalde na puksain ng smuggling sa Navotas.
#