Sotto at Velasco, nagpulong na para sa final SONA ni Duterte

Nagkita sina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Lord Allan Velasco para pag-usapan ang tungkol sa mga pending legislative measures, bago ang huling State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.

Kaugnay nito, pinag-usapan rin ni Sotto at Velasco ang mga posibleng scenarios para sa final SONA ni Duterte sa July 26.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sa ilalim ng 1987 Constitution, itinatakda ang SONA ng pangulo sa ika-apat na Lunes ng Hulyo.

Ayon sa opisina ni Velasco, nangako ang dalawang pinakamataas na legislative officials ng bansa na patuloy na makikipagcoordinate sa kani-kanilang priority bills para matiyak na ang parehong kapulunagan ay mananatiling productive sa kabila ng nalalapit na  election season.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Sa panig naman ng Senado, nagkasundo ang mga senador na magsagawa ng plenary sessions sa Huwebes para magkaroon ng mas mahabang oras para deliberasyon at maaprubahan ang mga priority measures. // MHEL PACIA