Sorsogon, pumangalawa sa may pinakamataas na nasawi dahil sa Covid-19 sa buong rehiyon

SORSOGON CTIY – Pumangalawa ang lalawigan ng Sorsogon na may naitalang pinakamataas na bilang ng nasawi sa nasabing sakit sa buong rehiyong Bikol, ayon ito sa pinakahuling datos mula sa Dept. of Health (DOH).

Nakapagtala ng 468 na Covid death toll ang lalawigan habang ang Camarines Sur ay nanguna na may kasalukuyang bilang na 500 death toll.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Ang Sorsogon ay sinundan ng lalawigan ng Albay na may naitalang 446 na pagkasawi habang ang Naga City ay may 224, 203 naman sa Camarines Norte, 116 sa Catanduanes hjabang 87 naman sa Legazpi City.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Ang lalawigan ng Masbate ay may naitalang pinakamababang Covid death toll na umabot lamang sa 74.