Application sa 2nd batch ng Grant-in Aid program ng So.Cot, nagsimula na

KORONADAL CITY- NAGSIMULA na noong February 21 sa pagtanggap ng application ang provincial government ng South Cotabato para sa ikalawang batch ng Grant-in Aid sa 2nd semester ng school year 2021-2022.

Ito ay sa ilalim ng Kabugwason Paglaum Scholarship and Grant in Aid program (KPSGIAP) ng lalawigan.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ang application ay magtatapos hanggang Marso 18, 2022.

Ang mga benepisyaryo ng grant-in aid ay makakatanggap ng P 10,000 na financial assistance bawat semester.

Read More:  Police track suspect behind online bomb threat in Negros city

Ito ay bukas sa mga college students na taga South Cotabato na walang scholarship at hindi nakapasok sa regular scholarship program.
Para sa dagdag na impormasyon at katanungan, makipag-ugnayan lamang sa KPSGIA Office sa telepono 228-2631 o sa cellphone number 09319745315.