Sorsogon, nagpang-apat sa vaccination coverage sa rehiyon

SORSOGON CITY – Sa tala ng Dept of Health Bicol, nasa ikaapat na puwesto ang lalawigan pagdating sa vaccination coverage sa rehiyon.

 Umabot na sa 73.94% ng 80% target population ang bakunado na kontra Covid-19.

Ayon sa nasabing Kagawaran, ang buong rehiyon ay naabot na ang 72.55% vaccination coverage.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aniya, may mahigit tatlong milyon na na Bicolano ang nakatanggap ng kanilang first dose habang aabot naman sa mahigit anim na milyon ang naturukan ng second dose.

Aabot naman sa 65.79% ng 80% ang coverage para sa mga fully vaccinated na indibidwal sa rehiyon.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang lalawigan ng Catanduanes ay nakapag-rehistro ng pinakamataas o 82.90% na vaccination coverage at sinundan ito ng Albay na may 76.34% at Camarines Sur, 74%.

Ang Sorsogon ay sinundan ng Camarines Norte na may 67.19% at Masbate na may 62.87%.