CAMARINES NORTE- Inihain sa Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang ordinansang magpapalakas sa Alternative Learning System (ALS).
Ito ay may titulong “An Ordinance Institutionalizing the Alternative Learning System (ALS) in the Barangays of the Municipality of Basud, Camarines Norte Prescribing Guidelines in the establishment of the Respective Local Literacy Coordinating Councils for the LGU- Basud and for the Barangay LGU’s Mandating the Appointment of the Barangay Literacy Workers in the Barangays; Providing Funds For its Implementation and for other purposes.
Layon umano ng naturang ordinansa na maisulong at mapaganda ang basic education, formal at non- formal sa lahat ng lebel ng lipunan lalo na ang mga out- of- school youth and adults gayundin ang mga tinatawag na underprivileged and disadvantage constituents.
Sa ilalim nito ay dapat bumuo ng Local Literacy Coordinating Council na pamumunuan ng Alkalde bilang Chairperson at Co- Chairperson naman ang Bise Alkalde gayundin ang Public Schools District Supervisor at PTA Federation President.
Nakapaloob din sa ordinansa ang Recruitment at Training ng mga Barangay Literacy Workers, Barangay Learning Center bilang ALS venue at support mechanism sa mga barangay.
Sa section 20 ng naturang panukalang ordinansa ay nakapaloob ang clustering of barangays para sa counterpart of funds.
Nakapaloob dito na kung sakaling hindi kaya ng Barangay na maibigay ang pinakamababang honorarium na nagkakahalaga ng isang libong piso sa kanilang BLW ay maaari itong pumasok sa isang Memorandum of Agreement sa kalapit na barangay na mayroong existing BLC para sa counter parting of funds.
Ang kakailanganing halaga para sa initial implementation ng relevant provision ng ordinansa ay kukunin sa anumang available na pondo ng LGU sa pamamagitan ng Supplemental appropriation na i- authorize ng Sangguniang Bayan.
Pagkatapos nito, ang kakailanganing pondo para sa pagpapatuloy ng implementasyon ng ordinansa ay isasama na sa annual budget.
Sa susunod na lingo nakatakda ang public hearing para sa naturang panukalang ordinansa.
