2M drainage project, itinayo sa  bayan ng Matnog

SORSOGON CITY – Tapos na ang ginawang drainage project ng Dept of Public Works and Highways Sorsogon 2nd District Engineering Office sa Brgy Genablan Oriental sa nasabing bayan.

Ang proyekto ay ginastusan ng P10M at may habang 282 lineal meters. Dinisenyon ito upang mabawasan ang mga epekto ng pagbaha.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ang proyekto ay may kakayahan na ilihis ang baha sa isang catchment area o river basin at sa gayon ay maiwasan ang pagbaha sa komunidad.

Nabatid na ang nasabing barangay ay matatagpuan malapit  sa baybayin ng Matnog kung saan madalas ang pagtaas ng tubig na nagdudulot ng alalahanin at abala sa mga naninirahan sa baybayin. 

Read More:  American national shot dead while watching TV in Negros Oriental

Ang proyekto ay ipinagkatiwala sa Double R Construction and Supply bilang contractor at natapos sa loob ng 90 calendar days.     

PHOTO: DPWH 2nd DEO