Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipinong kababaihan sa kaniyang mensahe para sa International Women’s Day.
Sinabi ng Pangulo na proud ito sa mga Pilipina na kaniyang tinukoy bilang “shining beacon” ng gender equality at women empowerment sa buong mundo.
Ayon sa Punong Ehekutibo, nagawa ng mga kababaihan na magkamit ng kapangyarihan at impluwensya sa iba’t-ibang sektor ng lipunan, kabilang na sa politika, negosyo, academe, sa mga lokal na komunidad, at lalong-lalo na sa ating mga kabahayan.
Iginiit ng Pangulo na pinapakita nito hindi lamang ang values ng mga Pilipino, kungdi pati na rin ang pagiging vital partners ng mga kababaihan sa nation-building.
Mababatid na nakatungtong ang Pilipinas sa ika-17 pwesto mula sa 156 na bansa sa Global Gender Gap Report 2021 ng World Economic Forum, na isang pwesto na mas mababa kumpara sa nakaraang taon.
Gayunman, nanatili pa rin ito bilang isa sa mga top performers sa Asia Pacific Region.
