Sorsogon, may naitalang mahigit 500K voter registrants

SORSOGON CITY – May kabuuang 542, 425 ang naitalang registered voters sa lalawigan as of October 23, ito ang lumabas sa datos ng Commission on Elections-Bicol.

Ayon sa Komisyon, tinatayang nasa mahigit 3.9M na ang naitalang voter registrants sa rehiyon.

Ang lalawigan ng Albay ay may naitalang 895, 353 registered voters; Camarines Norte-387, 183; 1,321,196 sa Camarines Sur; 203, 073 sa Catanduanes habang sa Masbate ay may naitalang 596, 679.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ayon pa sa datos, hindi pa rito kasama ang nagparehistro na botante na kabilang sa Persons with Disability (PWD) na umabot sa 28, 565 habang aabot sa 496, 692 naman ang senior citizens na nagparehistro.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa huling araw ng pagpaparehistro, Oktubre 30 nitong taon, inaasahan ng Comelec-Bicol na dadagsain naman ang kanilang opisina ng mga ‘deadline beaters.’

(Ang larawan sa taas ay ang mga humabol na voter registrants ngayong araw, Oktubre 30 sa deadline na ibinigay ng Sorsogon City Comelec)