SORSOGON CITY – Opisyal nang binuksan ng Department of Education Division of Sorsogon ang kauna-unahang Boy Scout of the Philippines (BSP) Adult Camp sa lalawigan ng Sorsogon.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Sorsogon, ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa bayan ng Sta. Magdalena partikular sa Sta Magdalena Central School na siyang magiging opisyal na kampo.
Ang nasabing kampo ay pinangalanang Camp Francis Joseph G. Escudero kung saan naging panauhing pandangal ang mismong gobernador, DepEd Schools Divisions Superintendent Jose ‘Toots’ Doncillo at ilang opisyal ng LGU.
Nauna nang sinabi ni Doncillo na ang pagkakaroon ng BSP Adult Camp ay malaking tulong upang pag-ibayuhin pa ang kakayahan ng mga guro at kawani ng DepEd pagdating sa leadership at pagbibigay serbisyo sa pamayanan.
