SORSOGON CITY – Mananatili sa Alert Level 2 ang lalawigan ng Sorsogon simula bukas, unang araw ng buwan ng Hunyo hanggang sa a-kinse.
Batay ito sa alert level classification na inilabas na Inter-Agency Task Force (IATF) at ipapatupad mula June 1, hanggang June 15, 2022.
Bukod sa lalawigan, mananatili din sa nasabing Alert Level Status ang mga probinsya ng Camarines Norte, Camarines Sur maliban sa Pamplona, at Masbate maliban sa Mandaon, habang mananatili naman sa Alert Level 1 Status ang mga lalawigan ng Albay, Catanduanes, at lungsod ng Naga.
Ang bagong alert level classifications ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang lokal na transmission ng Omicron BA.2.12.1 subvariant na na-detect sa unang bahagi ng kasalukuyang buwan ng Mayo.
