Search for outstanding “smoke-free” establishment sa Legazpi City, sisimulan na

LEGAZPI CITY – Papanatilihin ng City Health Office (CHO) Legazpi ang pagiging Smoke Free Environment ngayon taon 2022.

Ito ang inihayag ni Dr Fullbert Gillego, ang head ng nasabing opisina sa isang press conference.

Ayon kay Gillego, sisimulan na nila ang paghahanap ng mga outstanding establishments kaugnay ng pagpapatupad ng health ordinance.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya, ang pagpapatupad ng smoke-free ordinance ng lungsod ay isang shared responsibility sa iba’t ibang grupo tulad ng religious organizations, national government agencies, business sector, law enforcers na pinamumunuan ng ahensya.

Ang paghahanap ay hindi lamang sumasaklaw sa mga establisyimento ng negosyo kundi pati na rin ang academe, unibersidad, paaralan, barangay hall, ospital, at mga opisina.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Binigyan diin nito, ang smoke free ay mayroong bisa pa rin at muling ipatupad ang isa sa pinakamahalagang ordinansa ng lungsod na may regulasyon pagdating sa kalusugan.

Kung maaalala sa nakalipas na dalawang taon, itinigil ang paghahanap ng mga smoke-free na establisyimento dahil sa mga paghihigpit sa health protocols ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.