LEGAZPI-2 centenarians mula sa lungsod ng Tabaco ang nakatanggap ng tig 30 thousand pesos mula sa government.
Ang pagbigay ng nasabing asistensya ang isinagawa sa oras ng flag raising ceremony.
Kasama sa nabigyan ng tulong sina Alejandro Binlayo Rodriguez mulang Brgy Divino Rostro at si Igleceria Bermas Bongalos ng barangay Brgy Barangahwon.
Ayon naman kay Mayor Krisel Lagman-Luistro, maliban sa 30 thousand pesos, makakatanggap rin ang nasabing centenarians ng tig 50k pesos mula sa Provincial Government of Albay at 100k pesos mula sa national government.
Ito pa rin ay bahagi ng RA 10868 o mas kilala sa “An Act Honoring and Granting additional Benefits and Privileges to Filipino Centenarians Act of 2016”.