Sorsogon, kauna-unahang PLGU sa rehiyong Bicol na nag-access at gumamit ng Listahanan 3

Itinuturing ng DSWD-Bicol ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon na siyang kauna-unahang nag-access at gumamit ng pinakabago nilang database ng mahihirap na sambahayan o mas kilala bilang Listahanan 3.

Ito ay naging posible sa pamamagitan ng paglagda ng Data Sharing Agreement (DSA) sa pagitan ng Provl Local Govt Unit (PLGU) Sorsogon at DSWD, sa pamamagitan ng natl Household Targeting Section (NHTS) Region 5.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang Listahanan 3 data ay gagamitin ng lalawigan ng Sorsogon sa 7K Program ng administrasyon ni Gov. Jose Edwin ‘Boboy’ Hamor.

Ang 7K program ay isang resilient plan of action na sumasaklaw sa 7 pangunahing erya na kinabibilangan ng Kabuhayan, Kalusugan, Kadunugan, Katrangkilohan, Kagandahan, Kalinisan at Kalikasan.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Mababatid na sa Listahanan 3, ang Sorsogon ay nasa pang-apat na puwesto na may pinakamahirap na sambahayan o 79, 604 poor household.