Higit 400 na mga PWUDS na nakatapos na sa anti-drug abuse program sa Balatan, Camarines Sur, under monitoring pa rin ng LGU

NAGA CITY – Under monitoring pa rin ng Lokal na Pamahalaan ng Balatan, Camarines Sur, kasama ang Municipal Police Station, Municipal Health Office, Municipal Social Welfare and Development Office at iba pang ahensya ang nasa 448 na mga Persons Who Used Drugs o PWUDs sa bayan kahit graduate na o tapos na ang mga ito sa Anti-Drug Abuse Program maging sa rehabilitasyon.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay PCPL Rodeline Matic, Information Officer at Assistant MCAD Officer ng Balatan MPS.

Ang mga ito ay kasalukuyan pa ring nasa bayan at kasama sa mga livelihood program ng Pamahalaan at MSWDO.

Maganda ang ganitong mga programa para sa kanila upang maiiwas na rin na muling makagamit ng ipinagbabawal na gamot. Magandang balita rin para sa Pamahalaan matapos na may bagong Balay Silangan na rin sila na pansamantalang tirahan kan kanilang mga PWUDs.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Samanatala, ang 17 barangay ng bayan ay deklaradong drug cleared na at kasalukuyang nasa proseso upang maging ganap na drug cleared Municipality, at katuwang rin ang mga Barangay Opisyal nagpapatuloy ang house to house visitation at kampanya kontra droga.