Solusyon sa mga problema ng PUV modernization hirit ng mga pumabor rito sa Camarines Sur

NAGA CITY- Taas kilay man sa resolusyon ng 22 mga senador na suspendihin ang public transport modernization program, pinaburan naman ito ng isang transport group sa Camarines Sur sa kondisyong makakapaglatag ang pamahalaan  ng mga solusyon sa mga problemang nakakabit sa programa.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Jhun Villante, Presidente ng Naga-Pasacao Transport Cooperative, sumunod na sila sa consolidation kaya dapat maramdaman din nila ang benepisyo rito.  Tulad ng pagpabor sa kanila sa pagbiyahe, ngayon kase aniya nakakapagbiyahe rin kahit hindi consolidated sa kabila ng mga anunsyo noon na hindi na ito makakapagbiyahe. Wala ring Local Public Transport Route Plan kaya hindi rin sila makaloan ng mura sa bangko.  Dagdag niya pa, sana aniya ay matibay na klase ng makina ang nasa unit.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte
Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Kahapon, umarangkada ang “unity walk” ng mga transport group para tutulan ang resolusyon ng Senado na isinusulong ang suspensiyon ang Public Transport Modernization Program (PTMP). Ayon sa Department of Transportation (DOTr)  83% na ang nakapag consolidate.