2 patay sa salpukan ng motorsiklo sa koronadal

KORONADAL CITY – DEAD on arrival sa South Cotabato Provincial Hospital ang dalawang binata matapos masangkot sa aksidente ang sinasakyang motorsiklo, pasado alas 8:00 ng gabi nitong sabado sa kahabaan ng National Highway, Purok Garfin, Barangay Paraiso, Koronadal City.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Joshua Caballero Talite, 20 anyos, binata, driver ng motor at angkas nito na si Christian Caballero, 16 anyos, binata, pareho residente ng Barangay Tuka, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa inisyal na imbestigasyon ng Traffic Section ng Koronadal City Police Station na habang binabaktas ng dalawa lulan ng motorsiklo ang kahabaan ng National Highway, mula sa lungsod ng Koronadal patungo sa bayan ng Banga.

Subalit pagdating sa naturang lugar, aksidente na lumihis ito sa kabilang linya ng highway ahanggang sa tuluyan itong dumagusdos patungo sa kasalubong na motorsiklo na minamaniho naman ni Xyril Dean Santiago Diestro, residente ng Osita Subdivision, kasama ang angkas nito na si Kristian Gonzaga Biadama, 16 anyos, residente ng Purok Pioneer, Barangay Poblacion, Sto. Niño, South Cotabato.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dahil dito nagtamo ng malalang pinsala sa katawan ang mga biktima at agad na sinugod sa pagamutan, subalit ang dalawa ay hindi na umabot ng buhay.