Solon sa govt: Magpatupad ng weekend vaccinations para sa mga manggagawang may trabaho sa weekdays

Hinimok ni dating Health Secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin ang gobyerno na magsagawa ng weekend inoculations laban sa COVID-19 para ma-accommodate ang mga empleyadong Pilipino na nagta-trabaho sa weekdays.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Ayon kay Garin, sa pamamagitan ng pagbibigay ng weekends na schedule para sa pagbabakuna, hindi na kailangan na mag-absent ang mga manggagawa sa kanilang trabaho, at kikita pa para sa kanilang mga pamilya.

Giit ng mambabatas, maraming workers ang gustong magpabakuna pero hindi nila mahanapan ng oras dahil sa kanilang weekday jobs.

Read More:  Cayetano backs SEA Games probe, seeks flood control investigation

Maliban dito, ang pag-set up ng weekend inoculations ay magbibigay ng pagkakataon sa mga manggagawa na magpahinga, matapos makatanggap ng bakuna. // MHEL PACIA -TRINIDAD