Palasyo, suportado ang pagpapataas sa corporate income tax sa mga private schools

Suportado ng Malacañang ang pagpapataas sa corporate income tax sa mga pribadong paaralan.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, suportado ng Palasyo ang posisyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez II, na naninidigan sa desisyon ng Bureau of Internal Revenue na magpatupad ng mas mataas na income tax sa mga private schools.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Una nang sinabi ni Dominguez na sinusunod ng bureau ang orihinal na depinisyon ng Tax Code nang bumuo sila ng bagong ruling.

Mababatid na naghain na ng petisyon sa Court of Tax Appeals (CTA) ang dalawang pinakamalaking asosasyon ng mga pribadong paaralan sa bansa, kasama ang 31 iba pang colleges at universities, para ipatigil sa BIR ang pagsingil ng mataas na corporate income tax ng 150 percent, dahil ito umano ay labag sa parehong Tax Code at Konstitusyon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Una na ring nagbabala ang mga private schools na maraming pribadong paaralan ang mapipilitang magsara o magpataas ng kanilang tuition dahil sa “ill-timed” regulation ng BIR. // MHEL PACI-TRINIDAD