Solon, nais na palitan ang K to 12 ng ‘K + 10 + 2’

Nais ni House Senior Deputy Speaker at dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo napalitan ang K to 12 education program na ipinakilala ni late president Benigno S. Aquino III, sa kanyang panukalang K + 10 + 2 system.

Paliwanag ng Pampanga’s 2nd district representative, na sa ilalim ng kanyang House Bill (HB) No.7893 papalitan ang kasalukuyang K to 12 education program sa bansa saklaw ang Kindergarten at 12 years of education sa K + 10 + 2 program saklaw naman ang compulsory Kindergarten at 10 years of basic education, kasama ang mga nais na mag-proceed sa professional degree studies gaya ng accounting, engineering, law, medicine, na karagdahang dalawang taon na post-secondary at pre-university education.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Ang panukala ng mambabatas ay kasunod ng pag-aaral noong December 2020 ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), na nagsasabing isa lang sa limang senior high school graduates ang pumapasok sa labor force, habang ang iba ay mas pinipiling magpatuloy ng kanilang edukasyon.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Maliban dito, binanggit din ni Arroyo ang 2022 Pulse Asia survey na nagpapakita na ang plurality ng 44 percent ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila kontento K to 12 system. //MHEL PACIA-TRINIDAD