Abalos: Walang special treatment na ibibigay sa ex-cop sa P6.7-B illegal drug haul

Tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr, na walang ibibigay na special treatment kay dismissed Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr., habang nakakulong ito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ang pahayag ni Abalos ay para pawiin ang duda ng publiko na si Mayo na nadadawit sa P6.7 billion illegal drug haul noong Oct. 2022 sa Tondo, Manila, ay may financial capacity para bayaran ang mga jail personnels para magbigay sa kanya ng comfort habang nakakulong.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Mababatid na pinuna ng mga kritiko ang mga jail officials, lalo na ang mga nangangasiwa sa mga high-profile convicted criminal offenders, na umano’y nakikinabang ng mga perks at privileges na mataas pa mula sa ibinibigay sa mga regular na persons deprived of liberty (PDLs).

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Dagdag naman ni Abalos na isa lang ang kasama ni Mayo sa isang selda at pinalagyan din umano ito ng CCTV para sigurado ang kanilang seguridad. //MHEL PACIA-TRINIDAD