Kinuwetiyon ng isang party-list lawmaker ang P2.2-B na hindi nagastos ng Department of Health na para sana sa mga indigent patients, gayong marami ang mga naoospital noong nakaraang taon
Paliwanag naman ni DOH Undersecretary Roger Tong-An, ang pondo ay inilaan bilang support elective surgeries sa mga ospital, pero karamihan umano sa naturang medical operations ay kinansela ay idinagdag sa kanilang COVID-19 response.
Dagdag pa ni Tong-An, isa pang dahilan kung bakit naka-tengga ang naturang pondo ay dahil ayaw rin ng mga tao na magpa-ospital dahil sa takot na mahawa ng COVID-19.
Pero giit ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy, dapat inilipat nalang ang P2.2 billion sa mga private hospitals para matulungan ang mga indigent patients na bayaran ang high hospitalization costs sa naturang mga pasilidad.
Depensa naman ni Tong-An, nagta-transfer naman ng pondo ang DOH papunta sa mga private hospitals, pero ang paglipat ay kailangang sumunod sa mga panuntunan ng ahensya na require sa pag-download ng pera sa DOH regional offices, at paglagda ng memorandum of agreement sa mga ospital. // MHEL PACIA-TRINIDAD
