Sofia Frank, nagtapos sa ika-23 pwesto sa kumpetisyon sa Hungary

Nagtapos ang Filipino-American figure skater na si Sofia Frank sa ika-23 pwesto ng short program ng 15th Santa Claus Cup sa Budapest, Hungary.

Bumagsak ang 16-anyos na skate sa kaniyang triple lutz-triple toeloop combination at sa triple flip.

Gayunman, nagawa pa rin niya nang maayos ang kaniyang double axel na nagbigay sa kaniya ng score na 42.97 sa short program.

Nanguna naman sa kompetisyon si Nina Pinzarrone ng Belgium na may 63.67 points habang nasa ikalawang pwesto naman si Sofya Chaplygina na may 62.11 points.

Matatandaan na nanggaling si Frank mula sa kaniyang fifth place-finish sa 2021 Tallin Trophy sa Estonia noong nakaraang buwan.