Pribadong sektor, bibili ng karagdagang COVID-19 vaccine supply sa 2022

Nakikipag-negosasyon na ang pribadong sektor sa pharmaceutical giant ng AstraZeneca para sa procurement ng panibagong set ng COVID-19 vaccine doses.

Sa isang pahayag, ay sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na nag-organisa ang Go Negosyo ng meeting sa pagitan ng mahigit 350 kompanya at ng mga opisyal ng AstraZeneca.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ipinunto niya na ginawa ito sa December 9 matapos makakuha ng pribadong sektor ng permiso mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para bumili ng AstraZeneca doses.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Inaasahan na gagawin ang procurement ng panibagong suplay ng mga bakuna sa susunod na taon.