SOCOTECO 1, nagpapatupad ng ‘load shedding’

KORONADAL CITY – NAGPAPATUPAD ngayon ng “load shedding” o scheduled brownout ang South Cotabato Electric Cooperative o SOCOTECO 1 sa mga feeders na konektado sa Morales Substation.

Ayon kay Engr. Jefferson Gianzon, Operations Chief ng SOCOTECO 1 na ito ay dahil sa hindi na kaya ng 20 MVA na kapasidad ng Morales Substation ang tumataas na demand ng kuryente lalo na sa peak hours o mula ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng hapon.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nakadagdag aniya sa overloading capacity ang mainit na panahon dala ng El Niño dahil dumami ang sabay-sabay na gumagamit ng aircon at electric fan. Apektado ng load shedding ang Feeder 31, 32, 33, 34 at 35.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Inihayag ni Gianzon na kada araw, isa sa naturang mga feeders ang makakaranas ng dalawang oras na brownout. Ang load shedding ay magtatagal ng dalawang linggo.