5 lalawigan sa Bicol, certified malaria-free na – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na limang lalawigan sa rehiyon ang certified malaria-free na.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Jobal Bachiller, RN, National Aedes borne Viral Disease Prevention and Control Program (NAVDPCP), sinabi nito na kabilang sa mga probinsya na dineklara nang malaria-free ay ang Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate at Catanduanes, habang ang Camarines Norte ay hindi pa kasama sa mga dinideklara.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Aniya, target ng ahensya na maisama na ang Camarines Norte sa mga malaria-free ngayong taon dahil halos mag-11 taon na rin na walang naitatalang kaso ang nasabing lalawigan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Samantala, binigyang-diin ni Bachiller na dulot ng parasite na plasmodium ang malaria at nalilipat ito sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na anopheles na may dalang parasito, habang ang falciparum ang pinakamapanganib na uri ng malaria sa Pilipinas.