Nagsimula na ang Department of Social Welfare and Development sa pagbibigay ng tatlong buwang social pension ng mga senior citizen ng Olongapo City.
Ito ay mula sa programa ng Pamahalaang Nasyonal na nagkakahalaga ng limandaang piso kada buwan.
Ayon kay Olongapo City Social Welfare and Development Officer Jun Pascua, nakaraang linggo pa nagsimula ng pay out ang mga kawani ng DSWD.
Sa kabuuan aniya ay mayroong 692 na senior citizen ng lungsod ang kabilang sa nasabing programa.
Ang ibinigay na pension ay mula buwan ng Enero hanggang Marso na umaabot ng 1,500 pesos.
Samantala, maliban sa nasabing bilang ay mayroong isandaan pa na mga senior citizen ang tumatanggap naman ng pension mula sa Lokal na Pamahalaan ng Olongapo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo City Information Center
