LGU-Pandan sa Catanduanes, tumanggap ng GAPAS Award mula sa DSWD-Bicol

BNFM BICOL—Pinarangalan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-Bicol ang lokal na pamahalaan ng Pandan sa lalawigan ng Catanduanes ng “Gawad Paglilingkod sa Sambayanan” o GAPAS Award.

Ito ay bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon ng naturang LGU sa matibay na implementasyon nito ng programang KALAHI-CIDDS sa kanilang bayan, at pagiging isang huwarang modelong LGU sa pagpapatupad ng mga programa ng nasabing ahensya.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ang pagbibigay parangal ng DSWD ay bahagi ng kanilang “PaNATA Ko Sa Bayan” awards na taunang isinasagawa ng ahensya upang kilalanin ang mga indibidwal, grupo, organisasyon at iba pang mga entities na kanilang nakakatuwang at sumusuporta sa mga programa ng ahensya.###

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City