COVID-19 death toll sa Bicol, nananatili sa 2,140

BNFM BICOL—Nananatili sa 2,140 ang kabuuang bilang ng mga nasawi o COVID-19 death toll sa Bicol region, batay sa ulat ng Department of Health.

Sa datus ng ahensya, ang lalawigan pa rin ng Camarines Sur ang nakapagtatala ng pinakamataas na bilang ng fatalities na may 512; sumunod ang Sorsogon na may 470; ang probinsya ng Albay ay mayroong 447; may 224 ang Naga City; 205 sa Camarines Norte; 116 sa Catanduanes; 87 sa lungsod ng Legazpi habang nasa 74 naman ang bilang ng mga nasawi sa Masbate.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros
Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Bunsod nito, nasa 3.63% na ang case fatality rate ng COVID-19 sa Bicol ngunit kahit papaano ay mabagal na ang pagtaas ng death toll dahil na rin sa mababang bilang ng mga bagong kaso nitong mga nakalipas na linggo.###