BNFM BICOL— Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development Office o DSWD-Bicol na magiging quarterly na ang pamamahagi nila ng social pension para sa mga senior citizens ngayong taon.
Ayon sa ahensya, nito lamang pagpasok ng buwan ng Pebrero ay nagsimua na nilang maipamahagi ang pension ng mga senior citizens sa iba’t-ibang bahagi ng Bicol region para sa unang kwarter ng taon mula Enero hanggang Marso.
Nagkakahalagang P1,500 ang natanggap ng bawat senior citizen na magsisilbing asistensya pinansiyal ng mga ito para makatulong sakanilang mga pangangailangan.
Dagdag pa ng DSWD, ang ‘social pension’ ay bahagi ng mga programang kanilang ipinatutupad para sa layuning mabawasan o maibsan ang hirap ng mga indigent na mga matatanda partikular sakanilang mga pangangailangang medikal. ###