Covid-19 vaccine, 90% na epektibo para sa mga kabataan – DOH

BICOL – PINAWI ng Department of Health o DOH-Bicol ang pangamba ng mga magulang kaugnay sa pagiging ligtas at epektibo ng covid-19 vaccines sa mga kabataang edad 5 hanggang 11 taong gulang.

Ayon sa ahensya, napatunayang ligtas at mahigit 90% epektibo ang mga bakuna sa naturang age group.

Aprubado rin umano Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) at ang pag-administer, partikular na ang Pfizer BioNtech coid-19 vaccine 0.2ml para a mga ito ay ginagarantiyang ligtas.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Normal lamang din umanong makaranas ang mga kabataang naturukan ng ilang side effects tulad ng sa ibang bakuna kung saan makakaranas ng sakit sa bahaging tinurukan, pananamlay, sakit ng ulo at lagnat.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Gayunpaman, ito ay mga banayad na sintomas lamang at karaniwang gumagaling o nawawala rin sa loob ng 24 hangggang 48 oras.

Kagunay nito, mahalaga umanong ihanda ng mga magulang o guardian ang mga kabataan sa pagtanggap ng bakuna gayundin ipaalam sa mga ito ang vaccination process at maipaunawa sa mga kabataan kung bakit mahalaga ang bakuna at hindi dapat na katakutan.