KORONADAL CITY – UMABOT na sa 50, 347.43 na ektarya ng lupa ang itinuturing na covered ng mining tenements sa SOCCSKSARGEN Region kung saan nasa 2.4% sa buong region ang nagamit na land area.
Ang datos na ito ay ipinalabas ng Mines and Geosciences Bureau o MGB-12 kung saan nasa P12.2-million ang annual social development and management program na nai-commit ng mining companies sa ilalim ng kanilang community development program. Samantala, nasa P124.8-million na mga taxes at fees ang nakolekta ng mga local government units na sakop noong nagdaang Disyembre 2023.
Pumalo na sa P664-million ang mining investment sa SOCCSKSARGEN Region simula noong Disyembre 2023. Sa datos ng ahensya 1,837.96 ang metallic at 2,491,966 ang non-metallic sa ilalim naman ng mineral production kung saan nasa P134,182 ang non-metallic mineral sales sa Rehiyon-12.
Kaugnay nito, patuloy padin ang monitoring ng MGB sa mga polisiya at ang mga bagay na dapat gawin ng mga nagmimina sa rehiyon.
Nabatid na marami ngayon ang pumaplanong magsagawa ng gaya nitong aktibidad na walang permiso mula sa gobyerno.
