So.Cot provincial jail may E-Dalaw para sa mga inmates

KORONADAL CITY- UPANG mapalapit sa kanilang mga mahal sa buhay kahit na nasa loob ng bilangguan, naglunsad ang South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC ng electronic o E-Dalaw para sa mga inmates.

Ayon kay OIC Jail Warden Lory Celeste na sa E-Dalaw, mabibigyan ng tyansa ang mga bilanggo na makausap ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-video call sa messenger application gamit ang smartphone at tablet ng jail.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ang E-Dalaw ay bukas para sa lahat ng mga inmates at kailangan lamang ng mga ito na magpalista at magpa-schedule.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Napag-alaman na suspendido pa rin ang pagtanggap ng bisita SCRDC sa gitna ng banta ng COVID 19 pandemic.