40% ng mga inmates sa So.Cot provincial jail, naturukan na ng COVID 19 vaccine

KORONADAL CITY- NABAKUNAHAN na laban sa COVID 19 ang 40% ng mga inmates sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center (SCRDC).

Ayon kay OIC jail warden Lory Celeste na ito ay kinabibilangan ng mga fully vaccinated at yaong mga nakatanggap pa lamang ng unang dose.

Read More:  SRA backs NIR-wide offensive vs. invasive sugarcane pest

Sa ngayon, on-going ang COVID 19 vaccination ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa mga bilanggo.

Ang SCRDC ay mayroong mahigit sa 1,500 na mga inmates.

Read More:  Army’s newest Lieutenants include seven from Negros’ CHICKS Area

Samantala, inihayag naman ni Celeste na wala ng nagpositibo sa COVID 19 sa naturang pasilidad dahil na rin sa mahigpit na monitoring at quarantine na kanilang isinasagawa sa mga bagong commit na inmates.