Aabot na sa limang kaso ng amputations o pagputol sa bahagi ng katawan ang naitala ng Department of Health dahil sa paputok.

Sa monitoring ng DOH nasa 11 na ang kanilang naitala bilang mga fireworks-related injuries.
Ang naturang bilang ay kahalintulad sa naitala naman ng ahensiya noong nakaraang taon sa parehong period.
Ikinatuwa naman ng DOH na walang kaso ng ligaw na bala ang naitala sa pagsalubong ng kapaskuhan.