So.Cot nakakapagtala pa rin ng COVID 19 death sa kabila ng pagbaba ng kaso

KORONADAL CITY- BAGAMA’T bumaba na ang bilang ng mga new confirmed case ng COVID-19 sa South Cotabato, mayroon pa ring naitatalang namamatay dahil sa naturang sakit. Ito ang inihayag ni Celia Lorenzo, disease surveillance officer ng Integrated Provincial Health Office (IPHO).

Ayon kay Lorenzo na ito ay dahil sa hindi maagap na pagdala sa mga pasyente sa ospital at delayed detection ng virus.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Aniya, malala na ang kondisyon ng pasyente bago pa ito dalhin sa ospital kung kaya’t hindi na naaagapan pa na kadalasan ay nauuwi sa pagkamatay.

Dahil dito, nananawagan si Lorenzo sa lahat na huwag balewalain ang simpleng lagnat, ubo at sipon, sa halip ay agad na makipag-ugnayan sa mga barangay health emergency response team o BHERTs at mga health facilities upang masuri at maisailalim sa RT-PCR o antigen test.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa datos noong November 9, nakapagtala ang South Cotabato ng limang new COVID 19 related deaths kung kaya’t umakyat na ang death toll sa 677.