KORONADAL CITY- PINAFAST-track ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA region 12 ang assessment sa naiwang 161 barangays sa Soccsksargen na hindi pa naidedeklarang drug-cleared.
Ayon kay PDEA 12 information officer Katryn Gaye Abad na 974 pa lamang ng 1,158 barangay sa buong rehiyon ang naideklarang drug-cleared ng regional oversight committee on drug-clearing program.
Samantala, nagpapatuloy naman ang assessment sa pending application sa naiwang mga drug affected barangays batay sa itinakdang guidelines ng Dangerous Drugs Board o DDB.
Kabilang sa mga parameters ng assessment ang non-availability ng drug supply; kawalan ng drug-dependent, pusher o user; kawalan ng clandestine drug laboratory; active involvement ng mga barangay officials sa anti-drug activities; pagkakaroon ng drug awareness, preventive education and information programs at voluntary and compulsory drug treatment and rehabilitation processing desks.
