So.Cot, handa na sa T’nalak Festival 2024

KORONADAL CITY – HANDA na ang lalawigan ng South Cotabato sa pagdiriwang ng ika-58 Foundation Anniversary at ika-25 T’nalak Festival sa buwan ng Hulyo.

Inihayag ni Provincial Information Officer at T’nalak Festival Director Rudy Jimenea na P 35 million ang inilaang pondo ng probinsya para sa kapistahan. Kabilang sa mga aabangang aktibidad ang Bahay Kubo Competition, Mutya ng South Cotabato 2024, Hip Hop Dance Competition, Street Dancing Competition at marami pang iba.

Magbibigay din ng kasiyahan ang singer at actor na si JK Labajo kasama ang kanyang banda, Gigi De Lana at Sweetnote band. Panauhing pandangal naman sa Foundation Anniversary sa July 18 si Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Benhur Abalos Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *